Yep I need to let go... even if it means so much to me. I know it's something I wanted all my life but the situations and people around me doesn't agree with it. I was given two choices by life (1) to hold on and stay, cling to something that would never be mine or (2) let go, move on, and live my life with other opportunities. The second choice would open amny doors for me. Many years of loving you and embracing my ideals and forgetting my dreams is enough. I need to let go, to have my wings wide open and fly somewhere... far from the heartaches and dissapointment you have given me. You have given me the best smiles and the worst tears. The happiest moments and the depressing periods of my life waws brought by the blindness I have made whenever I look at you. I do love you, yes, i would always remember the day when we first met... and the day that I have embraced you and let you in my private world. I have given you myself, my heart and soul... my existence more than I expected I would. But I'm so sorry I need to leave now... sorry for I can't just be someone that is only there when you need me, waiting for your call, begging for your attention. Before all the smiles and tears fade, before all the excitement and depression looses its boundaries, before love and hate suddenly crash, I need to do this. May God help me get over you. I hope I'm doing the right thing.
HIndi ko malilimutan ang unang araw na nagkasama tayo. Ang lahat ng mga taong nakilala ko dahil sayo. Ang lahat ng mga araw at sandaling nadagdagan ng kulay at kahulugan ang buhay ko. Masaya ako sa maraming taong napagsilbihan kita.... Kailanman ay di ko pagsisisihang nakasama kita. Salamat sa pagpapaalala mo sa akin na hindi lang sa akin umiikot ang mundo. I pinaalala mo sa akin na kailangan ko pang gumaling higit sa aking katayuan ngayon. Ipinaalala mo sa akin na higit sa mga bagay na kaya ko ang aking kakayahan. Ipinadama mo sa akin ang init ng iyong pagtanggap at lamig na nasa likod ng bawat ngiti at pagbati na ibinigay mo sa akin. Ibinalik mo ang aking paa sa lupa na dapat kong tapakan. Ipinaalala mo sa akin ang mga nalimutan kong pangarap at aspirasyon. Ipinalimot mo sa akin ang mga bagay na nagbigay sa akin ng kasiyahan at kalungkutan...
Para sa iyo... aking alma mater... sa palagay ko ay ibinigay ko ang higit sa kayang ibigay ng isang nagmamahal... masaya ako ...... Masaya ako at ipinakita mo sa akin ang tunay na anyo ng buhay... hindi kita malilimutan ngunit kailangan na kitang iwanan sa ngayon. Hanggang sa pagkakataong magkasama tayong muli, kung ang lahat ay ayon na sa mga pagkakataon.
Para sa iyo, salamat sa mga panahong ipinaalala mo sa akin na minsan ako'y nagmahal at minahal... salamat.
Sa ngayon ay kailangan ko nang lumakad, tumakbo, umakyat at lumipad patungo sa bagong direksyon. Kailangan kong tuklasin at alalahanin ang aking sarili... kung darating ang pagkakataong dalhin akong muli ng tadhana sa iyo at sa pagkakataong 'yon ay magbago na ang lahat...tanging panahon lang ang nakakaalam ng susunod na magaganap....